Calendar

April 2012
SunMonTueWedThuFriSat
 << < > >>
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930    

Announce

Who's Online?

Member: 0
Visitor: 1

rss Syndication

Archives

14 Jun 2008 

Matagumpay na nasungkit ng D’ Dolphin ang gintong medalya para sa running events noong Setyembre 13 -14, 2007 kaugnay ng pagganap ng Intramurals sa BNHS.


Pinakain ng alikabok nina Ronnie Goño (first), Jerick Lubiano (second) at Alex Rivera (third) ng D’ Dolphin ang kanilang mga kalaban sa 400 m –dash.


Halos ayaw naman pasingitin nina Jerick Lubiano (first) at Celso Andes (third) ang kanilang mga katunggali sa pagkamit ng pagkapanalo para sa 1500 m run. Gayunpaman, nakuha pa ring makapasok sa ikalawang puwesto ni Darwin Hibay ng D’ Blue Whale.


Hindi naman nagpatalo and pambato ng D’ Shark na si Jericho Mendizabal nang madaig nito ang pambato ng D’ Dolphin na si Rico Mendizabal sa pagsungkit ng unang puwesto para sa 100 m –dash. Nagtapos sa pangatlong puwesto si Mark Angelo Bagalay at sumunod naman sa kanya ang kasama niya sa D’ Blue Whale na si Nestor Dominguez.


Kagaya ni Jericho Mendizabal, nakuha rin ng baguhan na si Reynalyn Balaguer ng D’ Shark ang unang puwesto para sa 400 m dash. Sumunod sa kanya si Mairyl Romero galling sa kaparehong kuponan at pumangatlo si Carmi Mendizabal ng D’ Seahorse.


Sa 100 m – dash hindi rin nagpahuli ang mga pambato ng D’ Blue Whale na sina Maela Valenzuela (first) at Sharilyn Banaag (third). Humabol sa ikalawang puwesto si Reynalyn Balaguer. (Geralyn B. Andes)


dgalleon · 2019 views · 0 comments
Categories: Sports (First Issue)
14 Jun 2008 

by Angelene L. Burton


Memories are treasures of the heart,
These are the souls that warm one's life
Unlike the clouds that easily bis goodbye
They stay and leave a mark inside.


They might be made within a little minute
And the days soon fade
As a smile that happens in a flash
Yet its memory stays forever.


dgalleon · 435 views · 38 comments
Categories: Literary (First Issue)
14 Jun 2008 

by Kharla J. Viduya


Where are you now man?
Man of the great world...
What help have you done
To your ailing self?

You said you were strong
Yet in pain you easily bend
Said you can do anything
But never started a thing...

You made me believe you were
Responsible but never were...
Yes, you were kind
Sometimes...
And your words speak of love
As you do me bad...


My friend” I heard you said that once
When in need you come...

Yes, you were great!
And still you are...
Yet, I believed you cared
In many different ways
You were great!
My friend, I shall wait...


dgalleon · 340 views · 0 comments
Categories: Literary (First Issue)
14 Jun 2008 

ni Maribel F. Burton


Sariling baya'y paka-ibigin
Sapagkat ito'y yaman sa atin,
'Wag basta alipustahin;
Sariling bayan iyong mahalin.

 

Makabayan na bang ituring ang ikaw?
Pakasuriin bawat kilos mo't galaw,
Dalisay na puso ating gawing tanglaw
Tapat mong paglingkod 'ya'y inang ilaw.

 

Ating bayan ikaw ang kailangan
Maging makabayan ating tandaan;
Respeto sa kapwa'y siya pang kailangan
Magmahal ng tapat, ibigin ang bayan.


dgalleon · 745 views · 48 comments
Categories: Literary (First Issue)
14 Jun 2008 

ni Ojie B. Nacman


Nang ang bayan natin ay
di pa malaya
Ang ating bandila'y tigmak ng dugo't luha;
Kayo ang tumindig,
lumaban, nagtaya
Inyong mga buhay
inalay sa bansa.


Noong rebolusyon,
kayo ang nanguna
Sa mga dayuhan ay nakibaka;
Buong tapang, buong giting humarap sa bala
Nagtangol sa bayan
tabak at panulat tanging sandata.

Gutom at sakit ay inyong tiniis
Nang dahil sa bayan
na puno ng hinagpis;
Kayo'y pawang makabaya't tunay na dakila
Alaala ninyo'y mamamalagi
sa aming puso't diwa.


Kayo ang mga bayani
ng ating lahi
Tunay na dakila at
katangi-tangi;
Utang sa inyo kalayaan
nitong bayan
Kayo'y aming dadakilain ngayon at kailanman!


dgalleon · 968 views · 30 comments
Categories: Literary (First Issue)

1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9  Next page